Sino ito
Na sa kapangyarihan ay sugapa?
Lahat-lahat ay gagawin niya
Ultimo pagkitil buhay ng kapwa
Sino ito
Na isa raw relihiyosa?
Kunwaring sa Itaaas nakatingala
Ngunit pailalim naman kung tumira
Sino ito
Na kayamana’y ipinagyayabang sa madla?
Akala mo’y pinaghirapan niya
Ang lahat ay nakaw lang pala
Sino ito
Na may mukhang kaaya-aya?
Subalit tulad ng relihiyosa
'Pag talikod ay may halimaw na mukha
Sino ito
Na ubod ng talas ang mga salita?
Ngunit 'pag nakikita kaniyang mga biktima
Umuurong lagi matabil niyang dila
Sino ito
Na hanapbuhay ay letra at tinta?
Siya ay naguumapaw sa salita
Kapos naman sa gawa
Sino ito
Na karangyaa'y pinagkait raw sa kanya?
Sa hirap ng buhay 'di raw siya makawala
Kung kaya't namemerwisyo nalang ng kapwa
Sino ito
Na sa mga bato'y sumasamba?
At sa tuwing tinataaman na
Madalas ay nauuwi sa trahedya
Sino ito
Na sa laman ay humahalina?
Kapag kaniyang gusto ay nakuha
Walang labang nilalang, iniiwang basta
Sino ako
Na kailanma'y 'di mo makikita?
Kumakalam ang aking sikmura
Oras na upang sa "trono" ako'y pumunta
Lahat ng ito’y pawang isip-katha
Mapaglarong imahinasyong walang magawa
Ako'y hindi na dapat patulan pa
Kung malawak naman ang pang-unawa
‘Di ko nais ika’y mabahala
Ipagpaumanhin aking isip na malaya
‘Pagkat lahat ng ito’y nagawa
Habang sa inidoro ako ay abala
English please
ReplyDelete